Sa pagmamadali
Minsan akala mo dapat magmadali ka. bakit ba parang ang tao ay laging nakatingin sa kanyang relo. Nadadapa, nagkakandarapa, marating lang sa kung saan-sang sulok ng mundo na sila lang ang nakaka-alam kung saan. Di na napapansin and mabagal na pag-inog ng mundo, and pamumukadkad ng mga bulaklak ang malumanay na haplos ng hangin sa pisngi.Lagi kang nagmamadali. Bakit? Sa palagay mo ba di ka mahahabol ng misteryosong orasan ng buhay at kamatayan? Tumatakas ka ba? o sadyang tanga lang? Palagay mo walang makakapansin sa iyo. Pero di ba mas maganda naman talaga ang napapansin tayo kahit minsan? para naman kahit paano matatak tayo sa mapa ng panahon? isang marka sa tuloy-tuloy na umiinog na mundo?
Bilisan mo! bakit ka makikinig sa mga taong nagsasabi nito? Magagawa rin naman ang lahat sa nakatakdang oras. Ipinanganak ka ng walang nakakaalam sa kung kelan ang eksaktong oras ka iluluwal ng iyong ina. pero andito ka, humihinga. masasabi mo rin ba na sa ganitong petsa, sa ganitong araw, sa ganitong oras, patay ka na?
umupo ka muna. tignan mo ang kapaligiran mo. ilan na ba ang sakripisyong ginawa mo? nagbigay pugay ka na ba sa mga taong tumulong at gumabay sa iyo? palagay mo? mag-isa mo lang ba talagang narating ang rurok ng tinatamasa mo ngayong mataas na kinatatayuan? magapasalamat ka, sabihan mo sila ng "salamat".... huminga ka muna, namnamin ang paghinga, tumingala sa langit, mag-tampisaw sa dagat. malay mo bukas patay ka na... tulad ko na nagmamadali, tumawid ng nakatingin sa orasan at di napansin ang rumaragasang trak ng basura....hindi ba sayang? dahil lang sa akala kong importanteng orasan ako ngayon ay narito, isang bangkay, mag-isa sa kanyang himlayan.
---indio
0 Comments:
Post a Comment
<< Home